Presidential Ambitions
My presidential ambitons begins here. The journey to Malacanang starts here. Everything about me and the current President.

Search

  • Subscribe via RSS!

May 1 can't wait. This BLOG will SOON CEASE to EXIST. I love this blog but I have to let go - and move on.

The act of choosing is the oxygen to your soul.

PROJECT DENNIO
Awakening from the deepest slumber:

http://projectdennio.blogspot.com/

Visit it now.

 

Habang tahimik ang lahat kahapon nakita ko ang isang maliit na papel (actually isang short bond paper) na nakapatong sa aking lamesa. Binas ko ang nilalaman nito. And I liked it. Very timely for wht is happening to our country nowadays. And to what our honorable politicians did with our country.

Seven years is enough, as one group said. And truly, enough is enough. We cannot have more of these scams, scandals, graft, corruption and blatant violation of human rights. We don't need an economist who doesn't even care about her people and all she boasts are the numbers and figures which people cannot eat.

It's about time my fellow Filipinos to take away the power we have given them. It's about time to stand side by side without those politicos around. It is time that we do not depend on the calls of the church or some charismatic leader for us to get involved and stand up for real change in our country.

It is time for us to change the country without them.

And here is a literary piece dedicated to all Filipinos created by Bernard Backman.

REVERSE CREATION

by Bernard Backman

In the end, we destroyed the heaven that was called Earth. The Earth had been beautiful until our spirit moved over it and destroyed all things.

And we said...

Let there be darkness... and there was darkness. And we liked the darkness; so we called the darkness, Security. And we divided ourselves into races and religions and classes of society. And there was no morning and no evening on the seventh day before the end.

And we said...

Let there be a strong government to control us in our darkness. Let there be armies to control our bodies so that we may learn to kill one another neatly and efficiently in our darkness. And there was no evening and no morning on the sixth day before the end.

And we said...

Let there be rockets and bombs to kill faster and easier; let there be gas chambers and furnaces to be more thorough. And there was no evening and no morning on the fifth day before the end.

And we said...

Let there be drugs and other forms of escape, for there is this constant annoyance - REALITY - which is disturbing our comfort. And there was no evening and no morning on the fourth day before the end.

And we said...

Let there be divisions among the nations, so that we may know who is our common enemy. And there was no evening and no morning on the third day before the end.

And finally we said...

Let us create God in our image. Let some other God compete with us. Let us say that God thinks as we think, hates as we hate, and kills as we kill. And there was no morning and no evening on the second day before the end.

On the last day, there was a great noise on the face of the Earth. Fire consumed the beautiful globe, and there was silence. The blackened Earth now rested to worship the one true God; and God saw all that we had done, and in the silence over the smoldering ruins... God wept.


 

New Post

Posted In: , , . By J.D. Lim

Tinatamad pa ako. Pero bago ako maging legal, madami pa ako ilalagay dito na bago, kaya abangan. This was posted in all of my blogs na wala pang post mula noong isang taon.

 

Nagugutom si Gloria

Posted In: , , , . By J.D. Lim

Hindi ko talaga maintindihan ang administrasyong ito. Tingnan mo na lang ang mga survey. Sabi ni Press Secretary Ignacio Bunye noong mga panahon umaabot sa –40 ang net satisfaction ratings ng pangulo hindi raw sila naniniwala sa mga survey at gagawin na lang ng Pangulo ang nararapat kahit pa daw “unpopular” ito para sa nakararami. Pero ngayon na medyo maganda ang net satisfaction ratings ni PGMA (–4 negative pa rin), sinasabi nila na nagbubunga na ang mga “economic reforms” na ginawa ng mahal na pangulo at ang mga mamamayan ay natatanggap na ito.

Akala ko ba hindi kayo naniniwala sa surveys? Kapag maganda ang sinasabi tungkol sa mahal na pangulo agad ninyong tinatanggap at ipinapangalandakan sa media ang mga “achievements” of the president. Kapag pangit gaya ng dumadami na raw ang nagugutom sa bansa ayaw ninyong tanggapin at napaka – dami ninyong paliwanag.

At humirit pa ang ating mahal na pangulo, mali naman daw kasi ang tanong sa survey na kung kahit minsan sa tatlong buwan eh nakaranas kayo ng gutom. Eh kahit daw siya, nakaranas na ng gutom kasi nalalagpasan siya ng kain. Baka daw hindi naintindihan ng mga tao ang tanong kaya porke daw nagutom lang ng isang beses sa loob ng tatlong buwan eh madami na ang nagugutom. Pero kahit na, nagutom pa din sila.

Ang hindi pa maganda nagugutom na rin pala kahit ang Pangulo ng Pilipinas. Hindi ba malala na ang kagutuman sa bansa? Biruin mo ikaw na ang mataas na opisyal ng bansang ito tapos nagugutom ka? Paano pa iyung mga nakatrira sa gilid ng riles at ilalim ng tulay? Mas lalo silang walang makain.

Hindi ko talaga maintindihan kung ekonomista ba talaga si PGMA. Panay ang pagmamalaki niya sa mga magaganda raw na pigura ng ating ekonomiya. Lumakas ang piso laban sa dolyar. Maganda ang stock market. Madami na raw pera ang gobyerno dahil sa EVAT. Wala nang fiscal crisis. Dumami daw ang may trabaho.

Napag-uusapan na lang ang trabaho. Sabi nila dito raw na – generate ang mga trabahong ito, ayon iyon sa kanila. Sa paniwala ko, puro nangibang – bansa na ang mga walang trabaho kaya dumami na ang may trabaho. Araw – araw mahigit 2, 500 Pilipino ang umaalis ng Pilipinas para maging OFW. Hindi ba ito nakaka – alarma? Ibig sabihin na lang wala naman talagang nagagawang trabaho ang gobyerno. Nangako pa sila ng 1 milyong trabaho kada taon. At iyun pala iyon, magsisilbi ang gobyerno na agency para magpadala ng halos 1 milyong OFW taon-taon.

At isa pa iyang EVAT na iyan. Wala na sana tayong reklamo kung ang perang nakokolekta nila ay ipinang – gawa ng mga silid – aralan at I-modernize ang mga ospital sa bansa. Pero imbes na iyun ang gawin, naglaan pa ang mahal na pangulo ng 1 bilyon para sa anti – insurgency campaign. Dinoble pa ang pork barrel fund ng mga kongresista. At nagpagawa pa ng poste na nagkakahalaga ng 100,000 bawat isa. Tapos mahilig pang magpagawa ng project gaya ng “Rehabilitation of Roads.” At ang konsepto pa nila ng pagre – rehabilitate ay huhukayin nila ang isang matinong kalsada na sementado at papalitan ng aspalto na madaling maglubak at mabutas tuwing tag – ulan.

Tanggap mo na sana ang EVAT kung nagagamit ang perang sapilitang kinukuha nila sa atin tuwing may bibilhin o may serbisyo tatangkilikin kung makikita natin ang mga sumusunod:

  • wala nang mga estudyanteng nagka – klase sa ilalim ng mga puno
  • ang mga squatter ay babalik sa mga probinsiya at bibigyan sila ng hanapbuhay
  • magkakaroon ng kahit isang fire truck at bumbero ang bawat bayan
  • lahat ng open dumpsites ay gagawin nilang sanitary landfills
  • lahat ng ospital ay moderno at libre ang serbisyo
  • tataasan nila ang subsidiya para sa mga state colleges at universities
  • hindi lang 10% ang itataas ng sweldo ng mga kawani ng gobyerno
  • binibigyang halaga ng gobyerno ang mga siyentista at ang kanilang mga imbensyon
  • tataasan nila ang budget para sa health, education, research and development at environment
  • ico-computerize na ang halalan pagdating ng 2010
  • hindi na tayo uutang sa mga international financial institutions na siya rin namang isa sa mga nagsulsol sa administrasyon upang ipasa ang EVAT dahil kabilang ito sa mga kondisyon nila para pautangin tayo
  • maglalagay ng mga magagaling na kawani sa gobyerno na talagang paglilingkod ang hangad
  • bibigyan ng mga modernong kagamitan ang sandatahang lakas lalo na ang air force at navy

Ilan pa lang ang mga iyan sa naisip ko. Madami pa sigurado akong hindi nabanggit at malamang alam na ng gobyernong ito kung anu – ano ang mga iyon. Ang problema lang, ayaw nilang kumilos. Sinasayang nila ang sinasabi nilang magagandang economic figures na kung tutuusin halos wala namang ginawa ang gobyerno upang gumanda ang lagay ng ekonomiya dahil tayo din ang nagsikap at mga pribadong korporasyon ang nagsumikap. Ang kanilang ginawa, they ignored the government at itinuloy nila ang gagawin nila. Huwag naman masyado mayabang ang administrasyong ito dahil kahit pagsalitain pa nila ang mga numero na iyan, hindi pa rin ito makakain ng mga pulubi sa daan.

Tingnan mo nga pati si Gloria nagugutom na rin. Hindi rin naman kasi niya makakain ang mga numerong sinasabi niya.

*****

“Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos ang gulo… Baliktarin na ang tatsulok.”